Helper, Huli sa Kasong Bigong Pagpatay!

*Jones, Isabela-* Huli ang isang helper na wanted sa batas matapos na masilbihan ng warrant of arrest sa Sitio Dimas, Brgy. Minuri, Jones, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Romar Arsenio, 31 anyos, walang asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Base sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), hinuli si Arsenio sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC br 24, Echague, Isabela dahil sa kasong Frustrated Murder.


May inilaang piyansa ang korte na halagang P120,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ni Arsenio.

Dinala na sa Jones Police Station ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at nakatakdang ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments