HELPER MULA CABATUAN, ARESTADO SA DRUG BUY-BUST OPERATION

Cauayan City – Tagumpay na nadakip ng mga kapulisan ang isang lalaking helper sa isinagawang Anti-Illegal Drug buy-bust Operation sa bayan ng Cabatuan kahapon, ika-22 ng Hulyo.

Nadakip ang suspek na si alyas “Teryo”, kabilang sa listahan ng Street Level Individuals matapos nitong positibong mabentahan ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang awtoridad na nagpanggap na buyer.

Bukod sa nabanggit na buy-bust item, nakumpiska rin sa pag-iingat ng suspek ang isang tunay na 500 peso bill, tatlong pirasong 500 peso boodle money, at iba pang non-drug items.


Matapos ang pagkakadakip, pag-iimbentaryo at pagmamarka ng nakumpiskang ebidensya ay kaagad na dinala sa himpilan ng Cabatuan PS ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments