Helpline para sa mga inaabusong bata, binuksan ng DOJ at CWC

Inilunsad ng Department of Justice (DOJ) at Council for the Welfare of Children (CWC) ang Makabata 1383 Helpline Project.

Layunin nito na matulungan at maging sumbungan para sa mga inaabusong bata sa bansa.

Isang memorandum of understanding ang pinirmahan nina Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla at ni CWC Undersecretary Angelo M. Tapales para sa pagtatag ng helpline kasabay ng selebrasyon sa National Children’s Month (NCM) ngayong Disyembre.


Ayon kay Remulla, confidential ang mga matatanggap nilang na impormasyon mula sa Makabata Helpline.

Magiging tulay rin aniya ito na maihayag ng mga biktima ang kanilang mga takot at para makatanggap ng payo at suporta sa mga suliraning kinakaharap nila.

Facebook Comments