Hemodialysis coverage, itinaas ng PhilHealth sa 144 sessions

In-upgrade ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang benefit package nito para sa hemodialysis mula sa 90 sessions ay itinaas ito sa 144 sessions ngayong taon.

Ayon kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, ang mga maaaring makapag-avail nito ay kanilang mga miyembro at kanilang dependents na may chronic kidney diosease stage 5.

Eksklusibo ang 144 sessions sa outpatient hemodialysis.


Ang mga hindi magagamit na sessions ay hindi na make-carry over sa susunod na taon.

Samantala, ang mga pasyenteng nagamit na ang kanilang 91st hanggang 144th hemodialysis session at mga mayroong hemodialysis benefits na hindi binawas sa kanilang medical bill ay maaaring mag-file ng claims sa kanilang regional o branch offices o local health insurance office batay sa kasalukuyang guidelines.

Facebook Comments