Manila, Philippines – Maglalabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng limited edition na commemorative coin na P10 kung saan tampok ang bayaning si Heneral Antonio Luna.
Sampung milyong piraso ng 10-peso commemorative circulation coin ang magiging available sa BSP offices at branches para sa mga authorized agent bank.
Itinaon ang paglalabas ng Heneral Luna commemorative coin sa nalalapit na 150th birth anniversary ng nasabing bayani na nanguna noon sa Philippine-American War.
Sa harapan ng 10-peso commemorative coin makikita ang portrait ni Heneral Luna habang sa likod naman ay sakay ito ng kabayo.
Mababasa din sa commemorative coin ang mga salitang “dangal,” “tapang” at “dignidad” na naglalarawan kay Luna.
Facebook Comments