Henry Alcantara, nagsauli ng mahigit P100 million na kickback sa flood control projects

Nasa ₱100 million na cash ang dinala sa Department of Justice ngayong Biyernes.

Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, isinauli ito ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.

Ito aniya ang bahagi ng mga kickback o kinita ni Alcantara sa mga maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.

Pero sabi ni Vida, unang bugso pa lamang ito mula sa ₱300 million na napagkasunduang ibalik ni Alcantara bilang bahagi ng restitution.

Ayon sa DOJ, dadalhin ito sa sa Bureau of Treasury.

Facebook Comments