Hepe ng 2 Police Stations at 2 iba pa sa Isabela, Pinarangalan ng PRO2

Cauayan City, Isabela- Pinarangalan ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang ilang miyembro ng kapulisan matapos ang matagumpay na pagkakadiskubre ng milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Sa kanyang pagbisita sa Quezon Police Station, iginawad ni PBGen. Crizaldo Nieves ang ‘Medalya ng Kagalingan’ kay PCpt. Rouel Meña, at dalawang iba pa matapos madiskubre ang halagang P5 million pesos na dried marijuana.

Bukod dito, tumanggap din ng parangal si PMAJ. Edgar Manuel Jr., OIC PNP Roxas dahil sa tagumpay ng buy-bust operation sa Brgy. San Antonio.


Muli namang pinaalalahanan ni PBGen. Nieves ang mga personnel ng nasabing mga police stations na ipagpatuloy nila ang kanilang kampanya kontra sa iligal na droga at sa iba pang uri ng krimen sa kanilang nasasakupan.


Facebook Comments