Manila, Philippines – Walang kapangyarihan ang hepe ng Food and Drugs Administration na magbalasa ng mga direktor sa kanyang ahensya.
Ito ang tinukoy ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa kanyang legal opinion bilang tugon sa hiling na paglilinaw ni Director General at Undersecretary Nela Charade Puno na hepe ng FDA.
Ayon kay Aguirre, ang kalihim lamang ng Dept of Health ang may kapangyarihan na magbalasa, mag-utos ng paglilipat at mag-reassign ng mga direktor at assistant director ng mga center at field offices ng FDA.
Nakasaad sa Section 8 ng Republic Act 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009 na may kapangyarihan ang FDA na magbusisi ng staffing pattern at position title sa ahensya pero ito ay kinakailangang aprubahan ng kalihim ng DOH.
Dahil ang kapangyarihan na magtalaga ay saklaw ng DOH Secretary, siya rin ang may kapangyarihan na magbalasa, maglipat at magre-assign ng mga opisyal sa FDA.