
Kinumpirma ni Manila International Airport Authority o MIAA Gen. Manager Jose Eric Ines ang kanyang pagsibak sa hepe ng Airport Police Department (APD) na si Levy Jose.
Ito ay bukod sa pagsuspinde ng 90 araw sa limang iba pang miyembro ng APD dahil sa pangingikil.
Ayon kay Ines, nagpatupad siya ng balasahan sa buong APD para masawata ang mga iligal na aktibidad sa paliparan.
Sinabi ni Ines na may mga sumbong silang natanggap na kaya napipilitang mag-overcharge ang mga taxi driver sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA dahil may ilang tauhan ng APD ang nangungumisyon sa kanila.
Tiniyak din ni Ines ang patuloy nilang paglilinis sa kanilang hanay.
Facebook Comments









