Hepe ng NBI Legal Assistance Section at kapatid nito, arestado sa extortion

Inaresto ng National Bureau of Investigation o NBI ang mismong Hepe ng NBI Legal Assistance Section at kapatid nito.

Ito ay dahil sa ginagawa raw nitong manipulasyon at extortion sa imbestigasyon ng NBI sa kontrobersyal na Pastillas Scam.

Kinumpirma ni NBI Deputy Director Atty. Ferdinand Lavin na ang mga naaresto ay sina Atty. Joshua Paul Capiral at Christopher Capiral na isang Immigration officer.


Sinasabing tumatanggap ng bribe o suhol si Atty. Capiral mula sa mga sangkot sa Pastillas Scandal para makalusot ang mga ito sa kaso.

Una rito, ilang opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) ang kinasuhan na ng NBI sa Office of the Ombudsman kaugnay ng naturang eskandalo.

Ikinalugod naman ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang pagkaka-aresto sa entrapment operation laban kina Atty. Capiral at sa kapatid nito.

Facebook Comments