Hepe ng NBI security at anim na iba, sinibak na sa pwesto

Sinibak na sa pwesto ang hepe ng National Bureau of Investigation (NBI) security at anim na tauhan nito na nag-escort sa NBI detainee na si Jad Dera.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Spokesperson Atty. Mico Clavano, ang pagtanggal sa hindi pinangalanang chief security ay dahil sa command responsibility habang ang anim sinampahan na ng kasong graft and corrupt practices act.

Sa kabila nito, nilinaw ni Clavano na sinuspendido lamang ang pito sa kanilang tungkulin.


Ang anim na security officers ang nag-escort kay Dera nang lumabas sa NBI, kung saan nagtungo umano ospital at kumain sa isang hotel sa Makati.

Facebook Comments