Hepe ng NCRPO, dumepensa sa mga bumabatikos sa kanya kaugnay kumakalat na litrato sa birthday party nito

Nagpaliwanag si National Capital Region Police Office o NCRPO Director Police Major General Debold Sinas kaugnay sa mga litratong kumalat sa social media na ipinagdiwang nito ng kanyang kaarawan noong May 8 ngayong taon.

Aniya, edited umano ang mga nasabing litrato na nagpapakita ng salo-salo sa kanyang kaarawan.

December 2018 pa aniya ang mga nasabing litrato.


Batay sa mga larawan na umaani ng samo’t saring batikos at kritisismo sa social media, nagpapakita ito ng pagtitipon at salo-salo sa ika-55 kaarawan ni Sinas na nagpapakita sa paglabag sa ilang panuntunan sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) tulad ng social gathering at social distancing.

Gayunpaman, humihingi ng depensa o tawad si Sinas sa publiko sa naging aksyon nila sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Tiniyak niya na ang NCRPO ay patuloy na sumusuporta sa gobyerno kaugnay sa mga programa nito kontra sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Facebook Comments