Ozamis City – Ipinagmalaki ni Police Chief Inspector Jovie Espenido, hepe ang Ozamis City Police Station na zero crime rate sila ngayon sa buong lungsod dahil sa kanyang mahigpit na seguridad na ipinapatupad sa buong Ozamis.
Sa panayam ng RMN-DXPR Pagadian sa programang Straight to the Point, sinabi ni Espenido na ginawa lang di umano nito ang trabaho ng isang pulis lalong-lalo na ang kapakanan ng mga mamamayan na hindi sila mapasok ng mga armadong grupo gaya na lang sa nangyari sa Marawi City na hindi kalayoan sa kanilang lugar.
Aniya marami ang galit sa kanya lalong-lalo na di umano ang pamilyang Parojenog na nais umano siyang tanggalin sa Ozamis subalit hindi siya takot sa kanyang buhay dahil trabaho lang ang kanyang ginagawa bilang hepe ng pulisya at para sa taong bayan.
Duda rin ito na mayrong taong nasa likod sa pagsampa ng reklamo sa pamilya ng siyam na mga nasawi sa nangyaring engkwentro sa Balintawak Ozamis noong Hunyo 1, 2017 kung saan siyam ang nasawi na di umanoy miyembro ng isang sindikatong grupo at kanya pang ibinalandra ang mga bangkay sa harap ng city hall.
Dagdag pa nito na nasanay na siyang kulang-kulang ang suporta na ibinibigay sa kanila ng LGU Ozamis sa kanilang mga operasyon subalit nagagampanan parin nito ang kanilang mga trabaho lalong-lalo na mga chookpoint na ginagawa sa buong siyudad.
Matatandaan na si Espenido ang dating hepe ng Albuera, Leyte na itinapon sa lungsod ng Ozamis matapos mangyari ang pagpatay kay Mayor Rolando Espinosa sa loob ng kulongan. Si Espenido rin nakilala bilang may pinakamaraming nahuli na sangkot sa iligan na droga sa buong Northern Mindanao.