Hepe ng PDEA, may pakiusap sa publiko kasunod ng umanong pagpabor ng sitwasyon sa kanila kaugnay sa engkwentro ng PNP at PDEA sa Commonwealth, Quezon City

Umaapela ngayon sa publiko si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva na huwag nang mag-post ng kung ano-anong komento sa social media kasunod ng madugong engkwentro sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at PDEA sa Commonwealth, Quezon City.

Sa Facebook post ni Villanueva, sinabi nito na ngayong pabor sa kanila ang sitwasyon, hinikayat niya ang bawat isa na manahimik at wag magkomento tungkol sa pagkapanalo.

Kapwa aniya namatayan ang PNP at PDEA ng tauhan na tapat sa Diyos at bayan, kaya’t habang nagdadalamhati ang pamilya ay nararapat na makiramay at mag-alay ng taimtim sa dasal.


Sa ngayon, nananatiling nakakordon ang tatlong sasakyan na tadtad ng bala sa pinangyarihan ng engkwentro.

Pero, naialis na ang ibang sasakyan na naipit sa imbestigasyon.

Facebook Comments