Umapela at humihingi ng paumanhin si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva sa lahat ng kanyang mga nakasalamuha na gumawa agad ng precautionary measures o kaukulang hakbang.
Sa kanyang Facebook page, inamin ni Villanueva na nagpositibo siya makaraang kumuha siya ng RT-PCR sa Chinese General Hospital at natanggap niya ang resulta na positibo siya kaya’t kinakailangang sumailalim siya ng home quarantine ng 14 na araw at i-isolate ang kanyang sarili sa kanyang pamilya at mga kasamahan sa trabaho.
Pero nangako si Villanueva na babalik siya matapos ang kanyang isolation kung saan hiningi rin niya ang panalangin sa lahat ng mga nagpositibo gaya niya na harinawa’y malampasan nila ang naturang mga pagsubok sa buhay.