Hepe ng PNP Mallig Isabela, Patay sa Drug Buy Bust Operation!

Mallig, Isabela – Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Police Senior Inspector Michael TubaƱa, hepe ng PNP Mallig matapos mapuruhan at barilin ng isa sa dalawang katao na sangkot sa kalakaran ng droga sa lugar.

Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Saturnino Aggabao, ang Deputy Chief of Police ng PNP Mallig na pasado alas onse kagabi ng magsagawa ng drug buy bust operation ang PNP Mallig sa pangunguna ni Senior Inspector TubaƱa sa Brgy Centro Uno, ng maispatan umano nila ang target sa operasyon ay binuntutan ng grupo ng hepe ang dalawa na nakamotorsiklo at pagsapit sa madilim na bahagi ng barangay at huminto ang dalawang katao at dito ay agad na bumaba si hepe sa kanyang sasakyan subalit ng akmang lapitan nito ang dalawa ay bigla umanong pinaputukan ang nasabing opisyal.

Sinabi pa ni Police Senior Inspector Aggabao na hindiĀ  nakaganti ang hepe dahil sa tama nito sa kaliwang tagiliran na tumagos sa kanang bahagi ng tagiliran.


Hindi nagawang makalabas sa kotse ang back up ng hepe dahil sa nagloko umano ang pintuan ng sasakyan ni hepe kayat nakatakas sa diĀ  malamang direksyon ang dalawang suspek.

Sa ngayon ay nagluluksa ang buong pwersa ng PNP Mallig at inilagay sa half mast ang bandila ng ng Pilipinas sa bayan ng Mallig,Isabela.

Facebook Comments