Inalis sa pwesto ni Police Regional Office 4-A Director Police BGen Carlito Gaces ang Hepe ng Rodriguez Police sa Rizal na si Police LtCol. Ruben Piquero.
Ang pagsibak sa pwesto kay Piquero ay bilang bahagi ng command responsibility sa pagkakapatay ng kanyang tauhan na si PCpl. Arnulfo Sabillo sa 15 taong gulang na binatilyong si John Francis Ompad noong August 20.
Pumalit sa pwesto ni Piquero si Police LtCol. Arnulfo Silencio.
Samantala, nagpapatuloy naman ang imbestigayon ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (PNP-IAS) sa insidente kung saan kasong administratibo na grave misconduct at conduct unbecoming of police officer ang kinakaharap ni Sabillo na mabigat na basehan para masibak ito nang tuluyan sa serbisyo.
Facebook Comments