Wednesday, February 18, 2026

Hepe ng SAICT, sinibak dahil sa operasyon laban sa mga hindi awtorisadong ambulansya na dumadaan sa EDSA busway

Ipinag-utos ni Transportation Secretary Banoy Lopez ang pagsibak sa hepe ng Special Action Intelligence Committee for Transportation (SAICT).

Kasunod ito ng operasyon laban sa mga hindi awtorisadong ambulansya sa EDSA busway nitong Lunes.

Partikular ang pagharang ng hepe ng SAICT sa ambulansya na may sakay na pasyente para sa medical check-up, dahil hindi raw ito emergency case.

Nilinaw naman ni Lopez na ang on-duty na mga ambulansya ay pinahihintulutan pa ring dumaan sa busway, kahit ano pa man ang kundisyon ng sakay nitong pasyente.

Humingi na ng paumahin ang DOTr sa pamilya ng pasyente.

Facebook Comments