Hepe ng San Miguel, Bulacan Police patay sa engkwentro sa mga magnanakaw

Patay ang chief of police ng San Miguel, Bulacan matapos na makaengkwento ang mga hinihinalang magnanakaw sa San Ildefonso, Bulacan.

Alas-9:30 kagabi nang makatanggap ng sumbong ang San Miguel Police hinggil sa insidente ng nakawan sa Barangay Buhol na Mangga.

Agad namang nagkasa ng operasyon ang pulisya sa pangunguna ng hepe nitong si Police Lt. Col. Marlon Serna.


Pagdating sa madilim na bahagi ng barangay, namataan ng mga pulis ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo.

Pero sa halip na huminto, pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis kung saan tinamaan sa ulo si Serna.

Naisugod pa si Serna sa Emmanuel Vera Hospital pero binawian din ng buhay.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis sa mga nakatakas na suspek.

Facebook Comments