Hepe ng San Simon, Pampanga at 6 na iba pa, sugatan sa pagsabog

Nagtamo ng sugat ang hepe ng San Simon Municipal Station at anim na iba pa matapos ang nangyaring pagsabog sa loob mismo ng police station.

Ayon kay Pampanga Provincial Police Office Director PCol. Jay Dimaandal, maliban sa sugatang chief-of-police, sugatan din ang asawa at ilang kamag-anak nito.

Maliban dito, sugatan din ang dalawang PNP personnel at dalawang non-uniformed personnel.


Sinasabing anniversary ng hepe at ng misis nito kaya’t naghanda ng samgyupsal para sa hapunan kahapon gamit ang butane.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng pagsabog.

Nagtamo ng first degree burn ang pitong sugatan.

Sa ngayon, nakalabas na sa ospital ang ilang sugatan at walang naitalang pinsala ang loob ng San Simon Municipal Police Station sa Pampanga.

Facebook Comments