Hepe ng station Drugs Enforcement Unit ng QC police station 5 kasama 3 iba pang pulis, sinibak sa pwesto matapos masangkot sa extortion

Quezon City – Ipinag-utos na ni QCPD chief of police Csupt. Guillermo Eleazar ang pagsibak sa pwesto sa hepe ng station Anti-Drugs Enforcement Unit ng QCPD station 5 kasama ang 3 iba pang pulis.

Pansamantalang ililipat sa district headquarters support unit sina Station 5 SDEU chief; police Insp. Severino Busa, kasama sina SPO3 Marlo Sammy, PO3 Henry Tingle at PO1 Marlon Fajardo.

Iimbestigahan ang 3 pulis sa reklamong robber extortion habang tinanggal sa pwesto si Busa dahil sa isyu ng command responsibility.


Nag-ugat ang pagsibak sa mga ito matapos maaresto ng PNP counter intelligence task force si Joseph M Euallo, driver ni Station 5 Commander of QCPD, Psupt. Bobby Glen Ganipac sa entrapment operation dahil sa pangongotong.

Iniimbestigahan ngayon ang tatlong pulis sa hinilang kasabwat ni Euallo na nakipagtransaksyon sa mga magulang ng naarestong drug suspek para maibaba ang kaso kapalit ng 50 libong piso.

Tumungo sa tanggapan ng PNP CITF ang mga magulang ng drug suspek at naaresto sa entrapment si Euallo sa bahagi ng Commonwealth Avenue malapit sa QCPD station 5 sa Fairview.

Facebook Comments