Handa pa para isalang sa Phase 2 Clinical Trials ngayong taon ang isang herbal extract combination drug na layong gamutin ang dengue.
Ang De La Salle University-Dasmariñas at Pharmalytics Corporation ang nasa likod ng research at development ng gamot.
Ayon kay Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya, target ng gamot na magkaroon ng 600 volunteer participants para sa Phase 2 clinical trials na isasagawa sa Cavite.
Sinabi ni Montoya, natapos ang Phase 1 trials sa anim na dengue patients.
Sinabi naman ni Science Secretary Fortunato Dela Peña, kahit bumaba ang dengue cases noong nakaraang taon, nananatiling prayoridad ito ng DOST at ng Department of Health (DOH).
Kapag nagtagumpay ito, ang Pilipinas ang magiging kauna-unahang bansa na makakagawa ng gamot laban sa dengue.
Sa huling datos ng gobyerno mula January hanggang November 2020, aabot na sa 79,218 individuals ang tinamaan ng dengue.