Herbal supplements, pwede pa ring ibenta online – FDA

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi kabilang ang mga herbal supplements sa kanilang ipinatitigil na ibenta online.

Matatandaang nag-utos ang FDA ng cease and desist order para sa pagbebenta ng gamot sa mga online selling sites gaya ng Lazada at Shopee.

Ayon kay FDA OIC at Heath Undersecretary Eric Domingo na hindi kabilang sa kanilang kautusan ang mga herbal supplements.


Dagdag pa niya, hindi raw kasi maituturing na ‘gamot’ ang isang supplement kung wala naman itong therapeutic claims.

Aniya, hanggat ito ay napabibilang sa ‘nutraceutical’ category, o yung mga supplement na hindi classified bilang gamot sa sakit; ito ay maaari pang ibenta online.

Pinayuhan ng FDA ang publiko na maging wais sa pamimili online.

Facebook Comments