Posibleng maubos ang nurses ng bansa sa loob ng tatlo hanggang limang taon, kung mabibigo ang gobyernong tugunan ang kanilang mga problema.
Ito ang pagtataya ni Health Secretary Ted Herbosa.
Bukod kasi sa in- demand sa abroad ang mga Filipino nurses ay malaki rin ang kanilang sweldo at marami pang benepisyo.
Kaya naman aminado si Herbosa na wala silang magagawa kung gusto ng Filipino nurses na mangibang bansa.
Samantala, tiniyak ni Herbosa na gumagawa na sila ng paraan sa Department of Health (DOH) para hindi tuluyang maubos ang nurses sa bansa.
Kabilang sa solusyon ang pag-hire ng mga non-board passers sa mga pampublikong ospital na may 70% hanggang 74% na rating.
Sa ngayon, nasa 4,500 na plantilla nurse items pa ang bakante sa Pilipinas.
Facebook Comments