Herd immunity, malabo pang maabot ngayong taon ayon sa OCTA Research Group

Naniniwala ang OCTA Research Group na malabong maabot ang herd immunity ngayong taon.

Ayon kay OCTA Research Fellow Prof. Guido David, marami pa rin sa ating mga kababayan ang ayaw magpabakuna.

Aniya, mas makatotohanang maabot ang herd containment kaysa herd immunity, kung saan 70 milyon ang target sanang maturukan ng COVID-19 vaccine.


Sa ilalim ng herd containment ay dapat mabakunahan ang 50% ng populasyon sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 kabilang na ang NCR Plus areas.

Naniniwala naman si David na dahil bumababa ang mga kaso ng COVID-19, maaari nang dahan-dahang luwagan ang quarantine classifications sa NCR Plus.

Facebook Comments