Herd immunity, nakamit na ng ilang lugar sa bansa

Nakamit na ng ilang lugar sa bansa partikular ang National Capital Region Plus 8 ang herd immunity.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa na nakalampas na ang mga lugar na ito sa 90% ng target na fully vaccinated individuals habang 100% naman ang nabigyan ng first dose.

Maliban sa Metro Manila, kabilang sa Plus 8 ay ang Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga at Rizal.


Ayon pa kay Dr. Herbosa, hindi naman tumataas ngayon ang bagong kaso ng COVID-19 patunay na sa focus areas tulad ng NCR Plus 8 ay naabot na ang Herd immunity threshold na 70 hanggang 90%

Sa kabila nito ay mayroon pa ring ibang lugar sa bansa ang nasa 40% pa lang ang mga fully vaccinated habang nasa 70% ang mga nabigyan ng first dose.

Kasunod nito, hinihimok ni Herbosa ang mga hindi pa bakunado na samantalahin ang pagkakataon at makilahok sa 2nd round ng National Vaccination Days sa December 15-17, 2021.

Facebook Comments