Herd immunity, target maabot sa NCR at anim na kalapit na lalawigan sa Nobyembre – Galvez

83

Target ng pamahalaan na maabot ang herd immunity sa National Capital Region (NCR) at anim na kalapit na probinsya.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, itataas ang daily vaccination sa 120,000 sa Metro Manila.


Kapag naipursige ang plano, maaaring maabot ang herd immunity sa Nobyembre.

Binigyang-diin ni Galvez na kailangang itaas sa 500,000 doses ang naituturok kada araw sa buong bansa, at magiging posible lamang ito kapag dumating na sa bansa ang steady supply ng 10 hanggang 15 milyong doses kada buwan.

Sa ibang lugar sa bansa, ang herd immunity aniya ay maaabot sa katapusan ng taon.

Matatandaang iprinisenta ni Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang lugar sa bansa na ipaprayoridad sa vaccination.



Facebook Comments