
Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi naging bahagi ng Witness Protection Program (WPP) ang dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineers na sina Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, tanging sina dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara at dating DPWH-NCR Regional Director Gerard Opulencia ang provisionally-admitted sa WPP.
Hindi aniya bahagi nito sina Mendoza at Hernandez na kasama ni Alcantara bilang tinaguriang ‘BGC Boys’.
Matatandaang bukod sa contractor na si Sally Santos, sina Alcantara at Opulencia lamang din ang nagsauli ng pera na umano’y natanggap nila bilang kickback.
Bahagi raw ito ng restitution process na nakasaad sa mga probisyon ng WPP.










