Walang untoward incident na naitala ang Philippine National Police (PNP) sa idinaos na Heroes’ parade kahapon para sa mga atletang Pilipino na sumabak sa 2024 Paris Olympics.
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, generally peaceful ang parada at nakipag-coordinate naman ang mga dumalo.
Sa pinaka huling tala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nasa 25,000 katao ang nakilahok sa parada at programa para sa mga atleta.
Ang nasabing bilang ay ang mga sumama at nanood sa parada mula Aliw theatre sa Pasay city hanggang sa isinagawang programa sa Rizal Memorial sports complex sa Maynila.
Tuwang-tuwa naman ang ating mga kababayan nang masilayan ang mga atletang Pinoy kabilang na ang Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, bronze medalists na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas at iba pa.