Manila, Philippines – Isang heroes’ welcome at awarding ceremony ang ipagkakaloob sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang partisipasyon upang matagumpay mabawi ang Marawi na uuwi mula sa Northern Mindanao.
Ngayong 9 ng umaga sa pier 13 sa Port Area Manila ay bibigyan ng heroes’ welcome at parangal ang mga tauhan ng PCG na naging bahagi ng matagumpay na kampanya laban sa ISIS-Maute.
Pangungunahan ni Philippine Coast Guard Commodore Joel Garcia ang welcome ceremony sa mga tropa ng PCG.
Sa isasagawang seremonya, pararangalan ang mga outstanding Coast Guard personnel sa kanilang partisipasyon para hindi makatakas na dadaan sa karagatan habang nakikipag bakbakan ang tropa ng militar sa Marawi.
Pagkatapos ng Awarding Ceremony, makakapiling na ng PCG ang kanilang pamilya na mahigit limang buwan ng nag-aantay sa kanilang pag-uwi.