Hero’s welcome. ibibigay sa tropa ng Philippine Navy na uuwi mula sa Marawi ngayong araw

Manila, Philippines – Ipagkakaloob sa Philippine Navy sa fleet-marine-contingent na uuwi mula sa marawi ang isang Hero’s welcome.

Ngayong 7:30 ng umaga darating sa pier 13, South Harbor lulan ng BRP Tarlac, ang mga sailors, marines, seals at navy aviators na naging bahagi ng matagumpay na kampanya laban sa ISIS-Maute.

Pangungunahan ni Philippine Navy flag officer in command, Vice Admiral Ronald Joseph Mercado ang welcome ceremony na may temang “Bravo Zulu, Home For Christmas.”


Sa seremonya, pararangalan ang mga outstanding navy personnel sa kanilang achievements sa giyera sa Marawi.

Bukod sa awarding ceremony, isang victory motorcade ang idaraos mula sa pier 13 patungong Marine Base Rudiardo Brown, Fort Bonifacio, Taguig City Na dadaan sa headquarters sa Philippine Navy, Roxas Boulevard at EDSA.

Sa pag-uwi ng karamihan sa mga sundalong pinadala sa Marawi, 5 batalyon ang maiiwan, para tumulong sa seguridad at sa rehabilitasyon ng siyudad.

Facebook Comments