Hero’s welcome para kay Carlos Yulo at mga Pilipinong atleta sa Paris Olympics, inihahanda na sa lungsod ng Maynila

Inihahanda na ngayon ang pinaka-engrandeng pagsalubong para sa pag-uwi ng 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Si Yulo ay isang Manileño na mula sa Leveriza sa Malate, Maynila.

Kasabay ng kaniyang pagdadala ng karangalan para sa Pilipinas, sinabi ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila na nakaabang din ang cash incentives, awards at pasasalamat para kay Caloy na handog ng kapitolyo ng bansa.


Nito lamang Mayo, binigyan ng pagkilala si Yulo at ang kaniyang nakababatang kapatid na si Karl Eldrew dahil sa kanilang tagumpay sa Artistic Gymnastics Asian Championships na ginanap sa Uzbekistan.

Facebook Comments