Higit 134,000 indibidwal sa Catanduanes, isinailalim sa preemptive evacuation

Inilikas ng Office of Civil Defense (OCD) ang 40,000 pamilya o katumbas ng 134, 653 indibidwal bilang preemptive evacuation dahil sa inaasahang landfall ng Super Typhoon Pepito sa Catanduanes mamayang gabi o bukas ng umaga.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno maliban sa paglilikas sa mga apektadong residente, nakahanda na rin ang mga emergency response assets kabilang ang family food packs at hygiene kits.

Sinabi pa ni Nepomuceno na mayroon ding 36,694 uniformed personnel ang naka standby para sa search, rescue, and relief operations kung saan 2,299 land vehicles, watercraft at navy vessels ang ready for deployment.


Kasunod nito, patuloy na abiso ng pamahalaan sa mga nakatira sa storm surge at landslide-prone areas na lumikas na upang maiwasan ang pagkalagas ng buhay.

Facebook Comments