Pasok sa ‘Top 10 Best Beach’ sa mundo ng Conde Nast Traveler ang hidden beach sa Palawan.
Ayon kay Cntraveler writer Lizzie Pook – marami sa atin ay itinuturing na destinasyon tuwing summer holiday ang mga beach para magbilad sa araw at magtampisaw sa tubig.
Pero ito rin ay isang ‘place of adventure and intrigue.’
Ang Palawan ay puno ng magagandang tanawin pero ang hidden beach ay natatangi dahil sa napapaligiran ng limestone cliffs, mapuputing buhangin, at kulay bughaw na dagat.
Bago ito, ang El Nido ay pasok din sa Top 5 Best Island Beach at piniling numero unong Asian beach choice ng mga Canadian.
Facebook Comments