Manila, Philippines – Ipinatigil na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dalawang piso kada minutong singil ng GRAB.
Ito ay habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng LTFRB tungkol sa anila’y hidden charges ng GRAB.
Matatandaang kinuwestiyon ng LTFRB ang singil ng naturang ride-hailing service company kung saan sinabi ni Chairman Martin Delgra na hindi sila naabisuhan tungkol dito.
Base aniya sa inilabas nilang kautusan noong December 2016, pinayagan ang GRAB na maningil ng dagdag na 10 hanggang 14 pesos per kilometer pero hindi kasama rito ang travel duration charges.
Pero depensa ng GRAB, ipinaalam nila sa LTFRB ang tungkol sa bagong fare scheme.
Simula ngayon, hindi pwedeng ipatupad ng GRAB ang 2 pesos per minute charge nito hangga’t walang inilalabas na resolusyon ang ahensya.