Hidilyn Diaz, balik-ensayo para sa qualifying tournament ng 2021 Tokyo Olympics

Ipinagpapatuloy na muli ngayon ni 2016 Olympic Silver Medalist at 2019 Sea Games Gold Medalist Hidilyn Diaz ang kanyang pag-eensayo sa Malacca, Malaysia.

Ito ay bilang paghahanda para sa qualifying tournament sa 2021 Tokyo Olympics.

Unang nang nabalitang na-stranded si Hidilyn sa Kuala Lumpur kung saan siya nag-eensayo dahil sa ipinatupad na Movement Control Order (MCO) dahil sa COVID-19 pandemic.


Tiniyak naman ng Pinay Weightlifter na maayos ang kanyang training at patuloy niyang ginagawa ang mga routine.

Sa ngayon, isang qualifying tournament na lamang ang kailangang harapin ni Diaz para tuluyang makapasok sa 2021 Tokyo Olympics.

Facebook Comments