Ikinagulat ni Filipino Olympian Hidilyn Diaz ang pagkakasama niya sa destabilization matrix laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang matrix ay inilabas ng Malacañan kahapon kung saan idinadawit ang mga taga-oposisyon, ilang personalidad at media organization sa umano’y planong patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang post sa Twitter, tinawanan lamang ni Diaz ang pagkakasangkot niya sa ouster plot.
Aniya, marami pa siyang goals sa buhay at para sa Pilipinas.
Si Diaz, na miyembro ng Philippine Air Force ay binigyang diin na nakatuon siya ngayon sa kanyang weightlifting career.
Matatandaang nag-uwi si Diaz ng silver medal sa 2016 Rio Olympics.
Pinaghahandaan ni Diaz ang nalalamit na Southeast Asian Games sa Nobyembre at 2020 Tokyo Olympics.