HIDILYN DIAZ, KINILALA ANG KAKAYAHAN NG MGA KABABAIHANG ATLETA

Kinilala ni kauna-unahang Almost gold Medalist na si Hidilyn Diaz ang kakayahan at lakas ng mga kababaihang atleta, kasunod na rin ng kasalukuyang isinasagawang Palarong Pambansa 2025 sa Ilocos Norte.

Sa ekslusibong panayam ng RMN – IFM Dagupan kay Diaz, ikinatuwa nito na ang kanyang pagkapanalo ay isang daan upang basagin ang nakagisnang stereotypes sa lipunan.

Ani Diaz, kaya ng mga kababaihan ang mamayagpag sa anumang larangang kahit pa kinikilalang dominado ng kalalakihan.

Magsilbi sana umanong inspirasyon ang kanyang pagkapanalo hindi lamang sa mga atleta, pati na rin sa lahat ng mamamayang Pilipino lalo na sa pagtibag ng limitasyong itinakda ng lipunan.

Samantala, hinihikayat nito ang mga bata na makilahok sa iba’t-ibang sports competition sa patuloy na paghasa ng lakas, galing at talento. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments