Hidilyn Diaz, may free rides for life sa LRT-1

14
Courtesy: Light Rail Manila Corporation

Patuloy ang buhos ng mga biyaya para kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) ay binigyan ang Pinay weightlifter ng libreng sakay sa tren sa kanyang buong buhay sa Light Rail Transit (LRT) Line 1.


Sa Facebook Post, ipinapaabot ng LRMC ang kanilang pagbati kay Diaz kasunod ng kanyang makasaysayang tagumay sa Tokyo Olympics.

Anila, hindi madaling makamit ang tagumpay pero sa kanyang pagpupursige at pagsisikap ay nakamit niya ang unang gintong medalya.

Bago ito, maraming kumpanya na ang nagpaabot kay Diaz ng brand new condominium, house and lot, kotse, lifetime free flights, fuel at cash incentives.

Facebook Comments