Nakatanggap na ng tulong pinansyal na dalawang milyon ang Weightlifter Gold Medalist na si Hidilyn Diaz para sa 2020 Summer Olympics sa Tokyo, Japan.
Ang sponsorship ay mula sa mula sa Philippine Sports Commission (PSC) at Phoenix Petroleum Philippines Inc. na kaniyang pinirmahan ang kasunduan nitong Huwebes sa Malacañang.
Kabilang sa nakuhang tulong pinansyal ay ang kaniyang allowance sa housing, food, strength and conditioning, local transportation at overseas training.
Pwede niya ring gamitin ang pera upang makabili ng training at competition uniform, mga gagamiting equipment at contingency fund.
Pinahayag naman niya ang kahalagahan ng natanggap na pinansyal.
“Malaking bagay yun kasi maglalaro ako sa Olympics and there’s a lot of competition that I need to compete in preparation towards Olympics,” ani Diaz.
“Medyo mahirap, so may core team ako and I’m so grateful fo the help, for the support they’ve give,” dagdag niya.
Matatandaan na unang humingi ng tulong si Diaz sa pamamagitan ng social media at sinabing, “Hirap na hirap na ako” nitong Hunyo.
Nanalo si Diaz ng silver medal sa weightlifting noong 2016 na ginanap sa Rio, Brazil at unang gold medal ng bansa nitong 2018 Asian Games sa Indonesia.