Hidilyn Diaz, sasabak pa sa isang Olympic qualifying competition

Target ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz na pataasin ang kanyang tiyansa na makapasok sa 2020 Tokyo Olympics.

Ayon kay PHL weightlifting team head coach Tony Agustin – kailangan ni Diaz na makalikom ng maraming medalya sa mga susunod na kompetisyon bilang bahagi ng Olympic qualification system.

Sasabak ang Pinay weightlifter sa 2019 world lifting championship sa Thailand sa Setyembre, na ikatlo sa anim na Olympic qualifying event.


Facebook Comments