Patuloy ang pagningning ng mga Atletang Pilipino matapos muling mag-uwi ng maraming medalya sa ikalawang araw ng 30th Southeast Asian Games.
Ito’y matapos umabot sa 16 na gintong medalya ang tinabo sa day 2 ng Biennial Meet.
Ipinamalas muli ni Olympian at Asian Games Medalist Hidilyn Diaz ang kanyang lakas sa 55 Kilogram Weigthtlifting Event para makamit ang gintong medalya.
Nagkaroon naman ng perfect sweep para masungkit ang Gold Medal sina PBA Stars Mo Tautuaa, CJ Perez, Chris Newsome at Jason Perkins sa 3×3 Basketball Tournament.
Gintong medalya rin ang inuwi Gilas Women’s Team na sina Afril Bernardina, Clare Castro, Jack Animam, at Janin Pontejos.
Sa Men’s at Women’s Downhill Mountain Bike Competition, dinomina ito Nina Lea Denise Belgira at John Derrick Farr.
Nanalo rin para sa Gintong Medalya si Monica Torres para sa Duathlon at Edmar Tacuel sa Seti Tinggal Singles Event sa Pencak Silat.
“Timba-Timba” na ginto ang hinakot muli ng Pilipinas sa Arnis, sa pangunguna ni Jesfer Huquire (Men’s Bantamweight), Elmer Manlapas (Men’s Featherweight), Carloyd Tejada (Men’s Welterweight), Sheena Del Monte (Women’s Bantamweight), Jedah Mae Soriano (Women’s Featherweight), Ross Ashley Monville (Women’s Lightweight), at Abegail Abad (Women’s Welterweight).
Patuloy din ang pangunguna ng bansa sa Triathlon matapos mag-uwi ng Gintong Medalya sina Kim Mangrobang, Clare Adorna, John Chicano, at Fernando Caseres.
Napitas naman nina Rodel Labayo at Angelo Morales ang Gold Medal sa Lawn Ball Pairs.
Sa kabuoan, mayroon nang 38-Gold, 20-Silvers, at 13 Bronze Medals ang Pilipinas.
Humahabol ang Vietnam na nasa ikalawang pwesto na may 15-gold, 20-Silvers, at 16-Bronze Medals.
Ikatlong pwesto ang Malaysia, na may 10-gold, 2-Silvers, at 7-Bronze Medals.