Nagpaabot ng pagbati si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz.
Ito ay kahit idinawit ang pangalan ng Pinay weightlifter sa sinasabing ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Panelo, ang makasaysayang tagumpay ni Diaz ay pagpapakita ng talento at husay ng mga Pilipinas.
Magsisilbi rin itong inspirasyon sa iba pa para maabot ang inaasam na gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics.
“Her feat makes us Filipinos proud. Her getting the gold is a testament to the Filipino race’s talent and indefatigable spirit,” ani Panelo.
“It serves as an inspiration to all Filipino athletes that getting gold in the Olympics is no longer a dream but a reality. Congratulations Hidilyn Diaz!” dagdag pa ni Panelo.
Noong May 2019, naglabas si Panelo ng outster plot matrix laban kay Pangulong Duterte at kabilang ang pangalan ni Diaz sa mga personalidad na kasama rito.
Ikinagulat ito noong ni Diaz at itinangging bahagi siya ng anumang pagtatangkang patalsikin sa pwesto ang pangulo.
Bilang kumabig si Panelo at nilinaw na ang pangalan ni Diaz ay lumabas lamang sa mga diagram sa social media account ng isang hinihinalang administrator na nagshe-share ng anti-Duterte videos.
Tumanggi noon si Panelo na humingi ng apology at sa halip ay sinisi ang media na idinawit si Diaz sa anti-Duterte plot.