High-grade marijuana, nakumpiska ng BOC sa Port of Clark

PHOTO: Bureau of Customs

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang ilang mga iligal na droga sa Port of Clark.

Aabot sa 40 gramo ng 40 grams ng high-grade Marijuana o kush ang nakuha ng Customs personnel kabilang ang 10 pouches ng Tetrahydrocannabinol (THC) cannabis-infused gummy candies.

Ang nasabing parcel ay idineklarang mga sapatos kung saan nagkakahalaga ito ng ₱80,000 at nanggaling sa New York, USA.


Nadiskubre ang kontrabando matapos dumaan sa x-ray scanner, K-9 at sa physical examination.

Kinumpiska ang mga nasabing droga habang inaalam na kung sino ang consignee nito at saan dadalhin.

Ang naturang hakbang ay bilang parte ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palakasin pa ng BOC ang mga hakbang kontra-illegal drug smuggling at bantayan ang border ng bansa sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Bienvenido Rubio.

Facebook Comments