High grade marijuana nasamsam sa QC

Quezon City – Arestado ang dalawang drug pusher na nagpapakalat ng ilegal na droga sa Quezon City at iba pang lugar sa National Capital Region sa isinagawang anti-illegal drugs operation.

Agad na pinosasan ang magkapatid na sina Jason King, 46-anyos at Bryan King, 44-anyos matapos na bentahan ang mga otoridad na umaktong poseur buyer.

Ayon kay Police Lt. Col. Joel Villanueva, hepe ng QCPD Station 6, naaresto ang mag-utol na King sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Barangay Bahay Toro, Quezon City. Sakay ng kulay abo na Toyota Fortuner na may plakang APA-7148.


Bukod sa 70,000 pisong buy-bust money, nasamsam sa dalawa ang apat na zip lock ng transparent plastic sachet na naglalaman ng imported marijuana fruiting tops o kush.

Aabot sa 112 gramo ng high grade marijuana na nagkakahalaga ng P168,000 ang nasamsam sa magkapatid na drug dealer.

Facebook Comments