High level of Inter-Agency Coordination, mahalaga para labanan ang COVID-19 ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana

40

Importante ngayong panahon ng krisis ang high level of Inter-Agency Coordination para malaban ang pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Sinabi ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos na italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Chairperson ng National Action Plan para tutukan ang mga hakbang kontra COVID-19.


Sinabi ng Kalihim, magagawa ang ganitong koordinasyon sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga government agencies, Local Government Units (LGUs), non-government organizations, at mga civil society organizations.

Nanawagan din ang Kalihim ng buong suporta ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Aniya, patuloy na pangunahan ng AFP at PNP ang mahigpit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine, tiyakin na hindi nahihinto ang delivery ng mga supply ng mga pagkain at non-food supplies sa mga komunidad na apektado ng quarantine.

Facebook Comments