High-level task force na mag-iimbestiga sa kurapsyon sa PhilHealth, kinakasa na ng DOJ

Pinaplantsa na ng Department of Justice (DOJ) ang pagbuo ng panel o task force na tututok sa imbestigasyon sa anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation.

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na natanggap na niya ang memorandum order mula sa Office of the President na nag-uutos ng imbestigasyon sa PhilHealth.

Ayon kay Sec. Guevarra, Isang high-level na task force ang agad nilang bubuuin para masimulan na ang preliminary work sa isyu.


Inaasahang makakatuwang ng DOJ sa gagawing imbestigasyon sa sinasabing 15 billion pesos na katiwalian sa PhilHealth ang Ombudsman at ang Civil Service Commission (CSC).

Inatasan din ang task force na magsumite sa Office of the President ng kanilang findings at rekomendasyon sa loob ng 30 araw.

Facebook Comments