High Occupancy Vehicle o HOV traffic scheme, planong ibalik ng MMDA

Sakaling hindi umubra ang planong provincial bus ban sa EDSA. Nais mgayon ng Metro Manila Development Authority o MMDA na ibalik ang High Occupancy Vehicle (HOV) traffic scheme.

 

Ayon kay MMDA Traffic Head Col. Bong Nebrija, isa ito sa nakikitang solusyon upang mabawasan ang volume ng mga sasakyan lalo na’t 70 percent o halos 200,000 ng dumadaan sa EDSA ay pawang mga driver lang ang sakay.

 

Pero hindi tulad noong nakaraang taon, pinaghahandaan ito ng mmda kung saan magsasagawa sila ng public consultation at pag-aaral upang hindi na muling batikusin pa.


 

Matapos ang naturang hakbang, kanila itong ipapakita sa Metro Manila Council o MMC para malaman kung aaprubahan ito o hindi.

 

Bukod dito, makikipag-ugnayan din sila sa Land Transportation Office o LTO para pag-usapan ang iba pang proseso ng naturang polisiya.

 

Nilinaw naman ni Nebrija na hindi sa lahat ng oras ay ipapatupad ang ban sa driver only vehicle sa edsa kung saan mayroon silang ipapatupad na oras para dito.

Facebook Comments