High profile inmate na si Raymond Dominguez, natagpuang patay sa loob ng kulungan

1992

Wala nang buhay ng matagpuan ang high profile inmate na si Raymond Dominguez sa loob ng selda sa New Bilibid Prison.

Ayon sa impormasyong nakarating kay Bureau of Corrections Asst. Sec. Gabby Chaclag, hindi pa umano tukoy ang dahilan ng pagkamatay ni Dominguez.


Napag-alaman nitong nakalipas na araw ay tulala umano si Dominguez, bukod sa may iniindang sakit na asthma at diabetes.

Si Dominguez at ang kanyang kapatid na si Roger, ay mga leader ng Dominguez carjacking group, na sangkot sa pagpatay sa car dealers na sina Venson Evangelista at Emerson Lozano noong January 2011.

Facebook Comments