High profile inmate sa Bilibid na si Jaybee Sebastian, nasawi dahil sa COVID-19; Labi nito, nai-cremate na

Isang labi ng nagngangalang Jaybee Niño Sebastian mula sa New Bilibid Prisons (NBP) ang ipinasok kagabi sa isang crematorium sa Cavite.

Alas 9:00 kagabi nang ipasok at i-cremate sa Panteon De Dasmariñas ang labi ni Sebastian.

Batay sa death certificate nito, nasawi si Sebastian sa acute myocardial infarction na may kaugnayan sa COVID-19.


Nasa crematorium pa ang abo ni Sebastian.

Si Sebastian ay isang high profile inmate at pangunahing testigo sa kasong may kinalaman sa iligal na droga ni Senador Leila De Lima.

Bukod kay Sebastian, walong high profile inmate pa umano sa Bilibid ang nasawi dahil sa COVID-19.

Kabilang sa mga lumutang na pangalan ay sina Francis Go, Jimmy Yang, Benjamin Marcelo, Zhang Zhu Li, Jimmy Kinsing Hung, Eugene Chua, Ryan Ong at Amin Buratong.

Samantala, ipinatawag na ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Bureau of Corrections Director Gerald Bantag para ipaliwanag ang mga ulat na pagkasawi diumano ng mga inmate ng Bilibid dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, bineberipika pa rin ng DOJ ang mga lumalabas na impormasyon.

Facebook Comments